Nasaan ka nung birthday ko?

Wala ka nung birthday ko

Wala ni anino mo

 

Dika tumupad sa pangako mo

Nalungkot tuloy ako

 

Nasaan ang regalo ko?

Nasaan ang yakap mo?

 

Alam ko busy ka sa gawain mo

Intindi na ikalawa lang ako

 

Kasi ganun din naman ako

Di ako ang una sa buhay mo

 

Natanggap ko ang pagbati mo

Mahal! Bukas darating ako!

 

Kinabukasan, sumirit ang luha ko

Natanggap ang mensanheng ganito

 

Kasama, ikabibigla mo ito

Subalit wala na ang mahal mo!

 

Ang kandila sa birthday cake ko!

Napunta sa gabi ng parangal mo!

 

Advertisements
Posted in tula | Leave a comment

simple lang naman

Bakit kailangang humaba ang usapan

Eh maikli lang naman

Ginagawang kumplikado at walang pinupuntahan

Eh simple lang naman

Binubusisi at dinudukit ang bawat katibayan

Eh sadyang may kalaliman

Sabi ko nga kanina:simple lang naman

Nakapiit si Dario Tomada at Felicidad Caparal sa bilangguan

Dahil para sa tunay na reporma sa lupa sya ay nanindigan

Ngayon, mali ba ang tumahak papuntang kalayaan?

Kung mali? Sige! Ikulong nyo na lang din ako sa piitan!

Kasi ang piitan ay mistula ding buhay na kamatayan

At sa kamatayan may dalawang pagpipiliian

Ang mamatay ng dilat at walang laman ang tiyan

O mamatay sa torture at bala na kahit papano lumalaban

Ganun lang kaikli, ganun lang kasimple pero may kahulugan

 

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Minimetrong Parisukat’ dipa

 

Silang nililipat gamit ang lupa

Mula pilapil papuntang karnabal

Minimetro ang bawat parisuka’t dipa

Saka aagawin sa nagbubungkal!

 

Lalansihin tayo ng mga palalo

Nang sa korte tayo’y isasakdal

ikukulong ang walang salang si Dario

Kunwariy aakusahang kriminal

 

Kung hindi pwedeng umubra

Ayan na! ayan na!

Ang mga sundalong de lata!

Nang pasistang makina de pulbura

 

Tayo’y  tatakutin ng mga sandata nila

Mga baril na walang bala pero may dalawang bola

At kanilang ipanggagahasa kay Lina

Mga hayop!mga hayop! Mamatay din sila

 

Tapos na tayong umiyak

Tapos na tayong tumangis

Tapos na tayong magluksa

At tapos na tayong magpakumbaba

 

Lalakbay tayo papuntang kaliwa

Iwawasiwas ang karit ng walang awa!

At kapag ito, sa kanila ay tumama

Ang kanilang bituka ay luluwa!

 

Sa hudyat ng pulang buwan

Ililibing natin sila

Sa minimetrong parisukat’ dipa

Anim na talampakan

Sa ilalim ng lupa!!!

 

Posted in Uncategorized | Leave a comment

anu ba ang kahulugan ng tula?

Pagkawing kawiwingin ang bawat salita

Pag-ugana-uganayin ang mga dalita

Pagtuhug- tuhugin ang mga tugma

Halu-halukayin ang mga tama

 

Kali-kalikutin ang mga tala

Paglagum-lagumin ang mga adhika

Pag-akay-akayin ang mga nagkusa

Upang sa selyo, tayo’y kumawala

 

Pagkadusta-dustahin ang mga may sala

Kalampagin ang mga mulala

Iwasto ang mga sakuna

Para bukas di na lumala

 

Pakatimbang-timabanganin ang inilalathala

Likumin ang mga buhay na talinhaga

Gawing pamparikit sa alab ng digma

Para sa akin, yan ang kahulugan ng tula

 

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Hello world!

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!

Posted in Uncategorized | 1 Comment